
ced-sc'08-'09
Isang karangalan po ang pagsilbihan namin ang mga Estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyon sa loob ng Isang taon. Isang Taon na naging mabunga dahil sa pagtutulong-tulungan nating lahat at pagkakaisa.Isang taon na panunungkulan sa inyo bilang tagapaglingkod sa isip, sa salita at sa gawa.
Hindi nga po madali ang mga responsibilidad na aming inako ngunit naging makabuluhan dahil sa inyo mga minamahal naming kapwa mag-aaaral. Ang mga hamon po na aming hinarap ay isang mabigat na hamon na buhayin, gisingin at pasiglahin ang konseho ng mga Estudyante na ang sentro nang kamalayan ay ang interes ng mga Mag-aaral. Isang Makabuluhan at Maingat na paglalayag po ang aming Taon.


-> Best Community Service
-> Best Educational Program
-> Best Student Service
-> 1st runner-up Best Organizational Program
Samakatuwid po tayo ay Isang SC na tuwirang MATAGUMPAY. Ito po ay dahil sa inyo. Sa ating pAgmamahalan at Pagtutulungan.
Tayo rin po ay Kinilala sa loob at labas ng CLSU bilang aktibong miyembro ng mga samahang kinikilala ang importansya ng bawat nasasakupan, gayundin po ang pag-upo sa ibat-ibang samahan bilang officer.
-> 11th CCL, Deputy Speaker at Minority Floor Leader
-> Quo Vadis Novo Ecijanos Youth Movement, Vice President
-> Provincial Youth Development Council, Member
-> World Youth Alliance, Member
-> National- Management Society, Secretary General
-> Alliance of Student Leaders for 21st Century, Director for Luzon
-> National Union of Students of the Philippines, Member
Ang mga ito po ay isang hakbang lamang po upang magkaroon tayo ng matibay na samahan sa loob at labas ng ating kolehiyo. Isang pagpapatunay lamang po ito na tayo ay Global competitive. Kinaya natin po ito dahil sa maalab ninyong pakikiisa at pagmamahal.
Ang CEd-SC 2008-2009 po ay isang samahan kung saan ang lahat ay kasama at kaakibat sa hindi matatawarang paglalayag. Ang lahat pong tagumpay na ito ay hindi tagumpay namin kungdi TAGUMPAY NATING LAHAT.
Mabuhay po tayo at MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA INYO mga kapwa naming Mag-aaral....
Atin ito, ipagmalaki natin ito.
CED-SC '08-'09