Powered By Blogger

Wednesday, September 9, 2009

Isang Pasasalamat.

"Leading is thru walk and not by talk."
ced-sc'08-'09


Isang karangalan po ang pagsilbihan namin ang mga Estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyon sa loob ng Isang taon. Isang Taon na naging mabunga dahil sa pagtutulong-tulungan nating lahat at pagkakaisa.Isang taon na panunungkulan sa inyo bilang tagapaglingkod sa isip, sa salita at sa gawa.

Hindi nga po madali ang mga responsibilidad na aming inako ngunit naging makabuluhan dahil sa inyo mga minamahal naming kapwa mag-aaaral. Ang mga hamon po na aming hinarap ay isang mabigat na hamon na buhayin, gisingin at pasiglahin ang konseho ng mga Estudyante na ang sentro nang kamalayan ay ang interes ng mga Mag-aaral. Isang Makabuluhan at Maingat na paglalayag po ang aming Taon.

Ang College of Education Student Council 2008-2009 po ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyo mga minamahal naming mag-aaral sa isang taong pagtitiwala, pagmamahal at pagsuporta sa aming paglalayag kasama po ang opisina ng Dekano Dr. Rolando D. Dollete. Kami po ay nagagalak sa inyong mainit na pagyakap sa mga programa at proyektong aming ginawa. Kami po ay naniniwala na kayo ang tanging susi ng aming tagumpay at hindi kami bilang officers bagkus kayo bilang aming pinagsisilbihan. Kasama po namin sa aming paglalayag ang aming napakasipag at napakamatulungin na TAGAPAYO Sir JAYPEE S. DE GUZMAN na nagpapasalamat sa inyo, gayun din ang aming maituturing na tagapayo kahit di ligal ay buong pusong nakikiisa sa amin Sir FRANCIS ALBERT B. MENDOZA. Kami po ang tumayo sa inyong hamon sa loob ng isang taon. Maraming-maraming salamat po mga minamahal naming kapwa Mag-aaaral.

Bilang Pangulo po ng CEd-SC 2008-2009 kasama ang SUlong Ka Eduk Leaders board o SUKE ay tahasang nagsasabi sa inyo ng isang SALAMAT. Simple ngunit malalim, Mababaw ngunit inyong pinalalim dahil sa suportang iginawad sa amin. Hindi po kami magtatagumpay sa aming paglalayag kung wala kayo bilang katuwang namin sa hamon. Mga minamahal kong kapwa mag-aaral isang pagsaludo po ang aking hatid sa inyo dahil sa pagtitiwalang ibinigay sa akin, sa amin. Dumaan po tayo sa butas ng karayom ngunit atin po itong kinaya dahil sa pagkakaisa nating lahat. eka nga po walang mahirap kung magtutulungan at walang malalim sa mga taong nagkakaisa. Sobra-sobra po ang aking pasasalamat at wala pong paglagyan kahit po may mga KRITIKONG bumabalandra sa amin bilang tagapaglingkod ng SC. Salamat po at Magkikita pa po tayo para sa isang paglilingkod muli.

Ang CED-SC 2008-2009 po ay kinilala ng taon sa mga parangal na iginawad ng University sa atin.
-> Best Community Service
-> Best Educational Program
-> Best Student Service
-> 1st runner-up Best Organizational Program



Samakatuwid po tayo ay Isang SC na tuwirang MATAGUMPAY. Ito po ay dahil sa inyo. Sa ating pAgmamahalan at Pagtutulungan.
Tayo rin po ay Kinilala sa loob at labas ng CLSU bilang aktibong miyembro ng mga samahang kinikilala ang importansya ng bawat nasasakupan, gayundin po ang pag-upo sa ibat-ibang samahan bilang officer.
-> 11th CCL, Deputy Speaker at Minority Floor Leader
-> Quo Vadis Novo Ecijanos Youth Movement, Vice President
-> Provincial Youth Development Council, Member
-> World Youth Alliance, Member
-> National- Management Society, Secretary General
-> Alliance of Student Leaders for 21st Century, Director for Luzon
-> National Union of Students of the Philippines, Member

Ang mga ito po ay isang hakbang lamang po upang magkaroon tayo ng matibay na samahan sa loob at labas ng ating kolehiyo. Isang pagpapatunay lamang po ito na tayo ay Global competitive. Kinaya natin po ito dahil sa maalab ninyong pakikiisa at pagmamahal.
 
Ang CEd-SC 2008-2009 po ay isang samahan kung saan ang lahat ay kasama at kaakibat sa hindi matatawarang paglalayag. Ang lahat pong tagumpay na ito ay hindi tagumpay namin kungdi TAGUMPAY NATING LAHAT.

Mabuhay po tayo at MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA INYO mga kapwa naming Mag-aaral....

Atin ito, ipagmalaki natin ito.
CED-SC '08-'09







Tuesday, September 8, 2009

09-09-09 Krusada ng DILAW


"Bayang Pilipinas Tatakbo ako......"
-Senador Noynoy Aquino

Sa pagsikat ng araw ang lahat ay nakaabang sa anunsyong gagawin ni Sen. Noynoy Aquino ukol sa pagtakbo nya bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2010.
Hindi nga binigo ni Noynoy ang panawagan ng Sambayanang Pilipino at kanyang tinanggap ang hamon ng bayan kasama niya ang mga kapatid sa pagtanggap sa hamon ng bayan.

Ano nga ba ang dapat asahan ng BAyan sa isang Senador na tahimik lamang sa loob ng 3 taon sa Senado at 9 na taon bilang Mambabatas.... Ano at Ano?
Nakakatawa ngang isipin na sa pagkahaba-haba ng panahong paghahanda ni Mr. Palengke sa isang laban ay si Ginoong Noynoy pala ang haharap sa bayan at susungkit ng Hamon.

Saludo ako kay Mar sa kadakilaang ginawa at Hinahamon ko si Noynoy sa labang kanyang hinaharap..

Habang pinamakikinggan ko ang Talumpating binitawan ni Noynoy sa Club Filipino ako'y nanahimik at nilalasap ang bawat salitang kanyang binibitawan, ako'y natuwa at naiyak sa kanyang talumpati lalo na sa parteng ikinwento niya ang dalawang grade 5 atudents na nag-aasam ng pagbabago sa LIPUNAn. Bata lamang sila ngunit dama na nila ang hirap sa Lipunan paano pa kaya TAYO?

Tama, ang lahat ngayon ay interesado sa MAngyayari sa halalan at sa Inang Bayan... Marahil sawa na tayo sa Katiwaliang nangyayari ngunit may GINAGAWA KABA? puro salita kasi tayo kulang sa GAWA... ngayon tumayo ka sa kalye at hamunin ang mga pulitikong tatakbo kung ano nga ba ang kanilang laban para sa bayan at tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang iyong gagawin matapos marinig, mabasa at mapanood ang mga ito.

Si Noynoy ngayon ang tila sumisimbolo sa pag-asang hinahanap ng mga Maralitang nawawalan ng Pag-asa. Si Noynoy ang Lalaban para sa isang makabuluhang laban ng sambayanan. Siya ang magpapatuloy sa Demokrasyang pinasimulan ng Taong bayan noong 80's at tayo ang lalaban sa krusadang pagbabago. LAHAT KASAMA SA PAGBABAGO......hindi bukas, hindi sa susunod NGAYON NA!......

"Ang DEMOKRASYA ang sagot sa problemang umiiral sa bayan"
Sen. Noynoy Aquino.



Quo Vadis SC?



Marami ang daan na nakaharap sa atin ngunit saan nga ba tayo patungo mga "kaibigan?". Simpleng tanong ngunit kumplekado ang kasagutan.


Ilang buwan narin tayong nag-aantay sa mga plano ng kasalukuyang LIDERATO at tila tayo'y naghihintay na lamang sa "katapusan". Hindi tayo perpekto at lalong hindi natin alam ang lahat ngunit tayo ay dapat GUMAWA at Isakatuparan ang mga PLANONG ISINULAT SA PAPEL at Bumenta sa mga sumasambang "supot". Ang buhay ay mapaNghamon at dapat itong harapin ng Tama at Makatotohanan.

Saan nga ba tayo patungo? Saan tayo pupunta? Sasama kaba o LALABAN ka?
Ako sasama at lalaban.

SASAMA, sa isang makabuluhang adhikain na ang tanging laban ay ang GISINGIN AT USIGIN ang kasalukuyang LIDERATO upang pagsilbihan TAYO at hindi ang mga KAIBIGAN, hindi ang mga KATROPA o mga KAKLASE..... kung di TAYO, TAYONG MGA ESTUDYANTE.

LALABAN, sa isang LIDERATONG "NATUTULOG" at " NAGLALARO LAMANG" bato-bato sa langit ang tamaan ay TAMAAN....( ito ang nakikita at inyong PINATUTUNAYAN).

Tila patungo tayo sa isang "paubos na kandila" nagliliyab ngunit di nakakapaso, nag-aapoy ngunit walang init, nauubos sa isang malaway na salita at tila iniihip na ng sariling "KAYABANGAN".

Quo Vadis SC? ngayon ikaw ang sumAgot? saan ka tutungo? SASAma ka o LAlaban?

Friday, September 4, 2009

KAtoTOHAnaN?



Marami sa atin ang madaling maniwala sa sabi-sabi ngunit naitanong ba natin sa ating sarili na TOTOO BA o HINDI ang mga naririnig.

Buwan ng Hulyo, Buwan kung saan naganap ang isang di malilimutang pangyayari sa mga Student Leaders ng College of Education, Buwan kung saan naganap ang isang maliyab na damdamin upang pagsilbihan ang humigit isang libong populasyon ng Kolehiyo. Nagsilitawan ang iba't ibang PLATAPORMA. Ngunit may isang PLATAPORMANG "PINAG-USAPAN" at masasabing BUMENTA.

Hindi nga masisisi ang mga nakabasa nito sapagkat tayo ay nasa isang DEMOKRATIKONG SISTEMA, Malaya sa anumang bagay na naririnig at nababasa ngunit sana naging PATAS sa paniniwala. Isang hiling na pilit PUMAPALAOT.

Plataporma daw matatawag ang BUMENTANG iyon ayon sa mga PAHALANG ANG ISIPAN(mga taga-suporta ng Partidong hanggang salita lamang) ngunit alam kaya nila ang tunay na kahulugan ng "PLATAPORMA"?. Hmmmptfft.(tiyak hindi). Isang Platapormang tahasang bumabatikos lamang sa mga NAGAWANG KAPAKIPAKINABANG at MAKATOTOHANAN.


Masakit at Mahirap tanggapin ang nangyari ngunit tiyak na sila ang makakaramdam kung anuman ang dala nitong katha.